dsc_0043

Ang solo kong pagpunta dito ay ang isa sa pinaka di malilimutan na pangyayari sa aking paglalakbay. Pero bago po ang lahat, ang Seagull Mountain resort ay isa sa mga tanyag na lugar sa boong Davao. Sa kabila ng kasikatan nito eh sinigurado ko na pupunta ako sa lugar na ito na di dayuhing panahon gaya ng lunes hanggan miyerkules at ang buwan ay mga September. Sapul ang plano ko dahil sa aking pagkakalam eh ako lang po ang nag-iisa nilang guess sa panahong yun dahil wala po akong nakasalubong na ibang tao. Totoo ayaw ko ng over crowded pero weird din po na ako lang mag-isa sa lugar na ito. Hehehehe. Pero ok na rin kung i kumpara sa maraming tao.

dsc_0010

 

Gamit ang tent ko with may The North Fake bag, nag set agad ako ng tent para makapagsimula na nang pag-ikot sa lugar. But ang nangyari eh medyo umaambon kaya sa swimming pool at falls lang ako nakapunta nang araw na yun. Sabi ko bukas ko na lang puntahan ang Cross sign ng lugar ( pasensya at di ko alam ang term kasi di po ako katoliko.)Diretso agad ako sa falls which is dito mo rin matatagpuan ang mga pools. But before ka makakapunta dito eh kailangan mong maglakbay papunta pababa. Simple lang ang trekking pero ang ulan ay kumakatok kaya need ko nang bilisan para makabalik agad sa tent.

Falls and pools of SEAGULL

Nang nasa falls na ako eh dumating na ang kinatatakutan ko. Biglang umulan at napaka lamig na kung saan eh lalangoy pa ako sa falls at pool. Anyway nandito na ako kaya’t naligo na ako mag-isa sa falls at taking selfies pa( weird talaga ang feelings). Then after kong maligo mga around 5pm eh bumalik na ako sa Tent and dito ko na na experience ang di malilimutang gabi ng buhay ko. ang bahain sa kalagitnaan ng gabi sa gitna ng malamig na lugar ng BUDA. Compress talaga to the max ang peg ni kuya till 2am ng umaga eh nagpapagpag pa ako ng tent para ilabas ang tubig mula sa loob. Ang tanging karamay ko noon ay si Marlboro Blast ko na laging handa. Hehehehe. Anyway overall I highly recommend this place kahit ang iba eh ayaw dito. ( I dont know kung bakit.)

 

 

Walang tatalo sa coffee ng Seagull kapag ganito ang panahon:

 

Diba kahit starbucks pa ang coffee mo walang tatalo sa coffee ng Seagull. Try niyo punta sa Seagull para matikman nio ang coffee dito.

Solo or family Seagull is one of the best places to go if nagbabakasyon ka dito sa Davao. Kung taga Davao ka naman this is the best if you want to unwind and feel the breeze of BUDA.

Some places in Seagull always reminds me of Baguio. (Di pa naman nakakapunta ng Baguio :))

Suggestion:

  1. Mas maganda dito Monday to Friday kasi wala masyadong tao.
  2. Kung mag tent its better magdala din kayo ng cookset para ma enjoy niyo ang camping dito.

3. Bring water para dika uhawin. I don’t know if merong free water dito.

4. Mag-dala ng some ointment para depensa sa lamig. Alam mo naman ang tinatawag ng ating mga magulang na panuhot, bugnaw at kabuhi. Old school terms.

 

5. Jacket is a must.

So Tara na sa Seagull Mountain Resort at iienjoy ang moment.

Going Seagull

img_0297

 

For more information:

http://www.lakingdavao.weebly.com

Facebook: Laking Davao

Youtube: LAking Davao

 

ALL PICTURES ARE NOT EDITED ( What you see what you will expect)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Advertisements