CAMERA
Curtain Falls

Still uncrowded and one of my favorite falls in Mindanao. Sino ang magsasabi na mayroong ganito ka gandang falls sa Baganga. Dahil sa layo at malapitin sa bagyo ang lugar na ito kaya’t di masyadong napapansin ang taglay na kagandahan ng lugar. Pero para sa akin ang lugar ng Baganga ay isa sa mayroong pinakamagandang likas na yaman sa Pilipinas. From Baganga proper eh sasakay pa ng habal-habal papunta dito. Mga 45 mins ang oras na gugugulin papunta dito dahil hindi pa masyadong maganda ang pavement ng lugar papunta dito. Pero pagnakarating kana dito sa Curtain falls, malilimutan mo talaga ang siyudad at mananatili kang tulog sa kamalayan. MAtindi man ang init ng araw, bumawi naman ang lamig ng tubig sa falls. Talagang ng enjoy ang anak kong si Agila dahil may lugar na kung saan eh pwedeng maligo ang bata ( pero kailangan pa rin ang gabay ng magulang ).

 

Isa lang masasabi ko “Refreshing”. Alam nio na ano ang kabuuan ng isang salitang yan.

Recommendation: 8/10

Transportation: 5/10

Accomodation: 5/10 ( Ina-to ang lugar na to )

Scenery: 8/10

CAMERA

It’s better to bring a safety jacket because malalim po ang tubig kung papunta ng falls. Especially kung gusto mong mg selfie mismo sa falls. Meron ding 5 pesos add on kung gusto mong pumunta sa itaas na parte ng falls. So ano pa po hinihintay natin? pack your things at larga na tayo sa Curtain falls ng Baganga.!!! 🙂

TARA NA!

 

Advertisements