1

“When I first saw Asik asik falls in person I knew this was God’s masterpiece”

Asik-asik falls is located at Midsayap, Brgy Dado Mindanao. Medyo mahirap lang talaga ang pagpunta dito kung solo ka lang kasi medyo magastos. Kaya I decided na mg join ako sa isang travel and tours na pinagkakatiwalaan ko. Yun nga lang either saturday or sunday lang ang schedule so dahil sikat ang lugar na ito among locals there dahil sa nakakagamot daw ang tubig so expect a crowded place. Still it’s tolerable naman ang crowd kasi mababait naman ang mga taga roon. Ang ayaw ko lang talaga na ang ibang mga driver dito is mabilis mag-patakbo na hindi nila kinu-consider na meron silang pasahero. But anyway naka-survive naman ako sa habal-habal experience ko so ok lang.( Worst of the worst )

img_7861

 

It was summer nang pumunta kami dito but at that time eh maulan kaya kung makikita mo sa pix eh medyo foggy ang lugar. Nakakatakot lang kasi sa taas pa lang eh malamig na dahil foggy ano na kaya pagbaba mo pa papunta mo sa falls. Pero sabi ko sarili ko ok lang yan. So tuloy tuloy lang ang paglalakad kasi pababa at may stairway naman papunta nang falls. When nakita ko na ang falls hindi ko na appreciate kasi ang nasa isip ko 1. Malamig 2. Paano pag uwi? (Habal2 na naman) 3. Paano ang pagakyat?. Pinoproblema na ang di pa dapat problemahin. Tuloy lang ako sa paglalakad and yun na nakita ko na ang kabuuan ng falls. Sa unang tingin ang una mong maiisip eh ang laki pala ng Asik-asik falls kung ikumpara mo sa mga pictures na nakikita mo lamang sa net. Iba talaga kapag nasa personal kana doon mo talaga ma aapreciate ang lugar.

Sabi nang taga roon ang hindi ganito ang mukha ng falls nato. May roon dw isang malaking Balete na puno na nakalagay sa gitna nito then when bumagyo sa lugar ay natanggal ito at yun nga nag milagro nang asik asik falls.

Almost 2 hours nalang eh di pa rin ako naliligo sa falls dahil sa sobrang lamig dahil umuulan at that time. ( Ganda ng timing diba?) Pero nang mag desisyon ang grupo na umuwi na. Ang sabi ko sa sarili ko hindi pwede na halos pinalo ng dos por dos ang puwet ko sa habal2, nilakad ko nang mga 30 mins pababa ang lugar tapos di man lang ako maliligo….. Kaya nang naghanda nang umalis ang mga kasama ko eh agad-agad naman akong nagbihis para maligo. Di ko akalain naman na parang ice naman pala ang liliguan ko. Grabe ang sobrang lamig ( tubig siguro mula sa Antartica ang dumadaloy dito) pero refreshing anaman sa pakiramdam. Truly for me nakakapagpapagaling talaga ang tubig dito kasi may nabasa ako net dati about cold spring and its advantages. Kaya siguro maraming mga taga roon ang pumunta dito kasi maganda siya sa circulation ng dugo ng tao sa lamig  ng taglay nito.

Suggestion:

  1. Habalhabal- kung ako lang maglakad nalang kayo. Hehehehe
  2. Starbucks pa more- magdala kayo ng hot water at coffee or chocolate drinks.
  3. Garbage please- maging reponsable sana po tayo sa ating paglalakbay. Pero malinis po ang lugar ha…. Paalaala lang po.

 

 

Asik-asik can’t compare to other falls kasi iba talaga ang falls nato. ( PWede i comPare sa mga EncHanted na lugar). Best of the best and unique experience so ano pa hinihintay natin diyan mga bro…..? TaRA na!

 

For more details please visit us at:

http://www.lakingdavao.weebly.com

Facebook: Laking Davao

Youtube: Laking Davao

 

ALL PICTURES POSTED are not edited ( What you see what you will expect )

Advertisements