IMG_7951

Exactly 4:58 pm nang nakarating kami sa New Israel. Medyo malamig na ang panahon maybe dahil malapit na rin sa paanan ng bundok Apo ang bayang ito. Pag-labas ko pa lang alam mo na merong certain rules na dapat kang sundin. Mula sa kasootan ng mga kababaihan doon, sali mo pa ang mga rebulto ni Rizal at kakaibang poster na di ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin. Malalaman mo na na may sarili itong karakter na dapat obserbahan at igalang. Mula sa parking lot eh makikita muna ang mga cute na monkeys na walang tali at hindi nakakulong.

Una kong pinuntahan ang  Zipline nila na ayon sa research eh ito ay may haba na 1 at 1.5 kilometro. Pero dahil sa late na po kami dumating eh wala na ang operator ng Zipline kaya di na rin nasubukan ang tanyag na zipline ng New Israel.

Kung sa bagay di pa rin ako sasakay ng Zipline dahil promise ko nga na ang una kong subok ng Zipline eh sa Lake Sebu. After namin sa Zipline Area eh tumoly na kami sa area ng mga monkey. Ang cute kasi talagang ang kulit pa nila sa personal. May nangaagaw nang pagkain, may naghahabulan,may ng eemote at ang iba pa ay nag loloving loving. Naobserbahan ko rin ang mga rebulto at mga inukit na salita.

Simple place but it has its own character

GPS:

From Ecoland Bus Terminal, sabihan niyo lang ang conductor na i drop lang kayo sa New Israel then from Makilala North Cotabat eh sumakay lamang kayo nang habal-habal for about 20 mins.

So magdala na kayo ng saging at TaRa na sa New ISRAEL!

IMG_7904

For more details please visit us at:

http://www.lakingdavao.weebly.com

Facebook: Laking Davao

Youtube: Laking Davao

Advertisements